Thu, 28 Jan 2021

Tagalog news: PNP Vizcaya, tumanggap ng mga kagamitan

Philippine Information Agency
04 Dec 2020, 23:38 GMT+10

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Dec. 4 (PIA) - Tumanggap ng mga bagong baril, sasakyan at iba pang kagamitan kahapon ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan bilang bahagi ng PNP modernization program.

Pinangunahan nina Police General Angelito Casimiro, Chief ng PNP Directorate for Logistics, Governor Carlos Padilla at Police General Crizaldo Nieves, Cagayan Valley PNP Regional Director, ang turn-over ng mga kagamitan kay Police Colonel Ranser Evasco, Nueva Vizcaya PNP Director.

Ang mga tinanggap na kagamitan ay 10 galil assault rifles mula sa Israel computer sets at printers, telescopes, 5 patrol cars at 24 na bisikleta upang magamit ng mga pulis sa kanilang pagpapatrolya.

Isinagawa din kahapon ang pagbibigay ng P100,000.00 na drug clearing incentive sa 10 barangays ng lalawigan at ang pagpapasinaya sa natapos na P2.4 million na PNP Multi-Purpose Gymnasium.

Ayon kay General Casimiro na tubong Bayombong, isang water refilling station at medical clinic din ang ipapatayo sa loob ng kampo ng PNP sa Bayombong upang magamit ng mga pulis at nangangailangang mga mamamayan lalo na sa oras ng kalamidad.

Ayon pa kay Casimiro, inaasahan pa nila ang pagdating ng mga ibang kagamitan sa Nueva Vizcaya at sa Lambak ng Cagayan dahil sa tuloy-tuloy na usad ng PNP modernization program. (ALM/BME/PIA 2-Nueva)

More Palestinian News

Access More

Sign up for Palestinian News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!